Hangarin naming tiyakin na ang lahat ng botante, kabilang ang mga limitado ang kasanayan sa Ingles na magkaroon ng pantay na kakayahang makakuha ng mga materyal sa pagboto. Alinsunod sa mga Pederal, Pang-estado, at Lokal na Batas, ang aming Kagawaran ay nagkakaloob ng mga kasangkapan na idinisenyo upang itaas ang kakayahang makagamit ang mga botanteng nagsasalita ng isang wikang iba sa Ingles at Kastila.
Ang isang Paksimileng Balota ay isang kopya ng isang balota sa halalan na isinalin sa isang ispesipikong wika. Ang mga botante ay makakagamit ng isang Paksimileng Balota upang basahin ang nilalaman sa kanilang wika, upang magawa nilang imarka ang kanilang boto sa kanilang Ingles na balota.
Kung ang isang botante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay naninirahan sa isang presinto na nag-aatas ng isang paksimileng balota sa kanilang wika, siya ay maaaring humiling na ipadala sa kanya ang isang paksimileng balota sa pamamagitan ng isang regular o elektronikong koreo. Alinsunod sa Kodigo sa Halalan 13400.
alamat sa iyong kahilingan. Kung nakahanda, ang isang paksimileng balota sa wikang pinili mo ay ipadadala sa iyo.